My new “flip-flops”. Yes, Parokya ni Edgar, uso pa ang harana.
Hello tumblr! Kamusta na? Boredommmmmmmmmmmmmmmmm!!
My new “flip-flops”. Yes, Parokya ni Edgar, uso pa ang harana.
Hello tumblr! Kamusta na? Boredommmmmmmmmmmmmmmmm!!
Tigang
1. [pang-uri.] [di-pormal] Tumutukoy sa kalagayan ng isang taong matagal nang panahon hindi nakikipagtalik; Nagmula sa metapora ng “pagdidilig” sa isang babae ng isang lalaki.
Halimbawa:Habang tinatahak naming ang masusukal na daanan papunta sa mga barangay ng Mindanao na bibigyan ng tulong ng aming organisasyon, napagtanto ko sa aking sarili ang pangarap kong sexperience. Habang humihingal sa paglalakad, biglang pumasok sa isip ko na nakikipag-sex ako sa gitna ng mga puno. Pagkatapos pupunta kami sa malalaking bato na katabi ng ilog. Doon naming itutuloy ang pagniniig habang lumilikha ng orkestra ang aming mga ungol at halinghing sa agos ng tubig at huni ng mga ibon at mga insekto. Walang damit na maghahabulan sa gitna ng kagubatang kami lang ang tao. Nag-init talaga ako sa ideya na gagawin ko yun sa pusod ng malawak na kalikasan. Nakakalibog. Tapos maliligo sa ilog pagkatapos magparaos. Kulang na lang reypin ko lahat ng kasama ko kanina. Shit, ang tigang ko!
2. [pang-uri.] Tuyo; Kadalasang tumutukoy sa kalagayan ng lupa lalo na sa panahon ng tag-init
Halimbawa: Nang makarating kami sa aming paroroonan, naabutan naming ang dalawang bata na sa tingin ko ay mga lima hanggang pitong taon lamang. Umiigib sila ng tubig sa isang bukal sa gitna ng kagubatan. Kung di ka sanay, magtataka ka kung paano nakarating ang iyon sa lugar na iyon. Pagkapuno ng mga balde nila ay sisimulan na nila ang paglalakad ng ilang kilometro para dalin sa mga bahay nila ang inigib na tubig para madiligan ang tigang nilang mga lalamunan.


Paumanhin sa dalawang batang kinuhanan ko ng litrato ng walang paalam.
Nakita ko na lang ang sarili kong iniisa-isa ang mga facebook timelines niyo. Pangalan pagkatapos ng isa pang pangalan. May bago ba kayong pictures na inupload? Anong pinakahuling nai-post? Relationship status. Tila uhaw akong makakita ng kahit ano na magkkwento sakin kung kamusta na kayo.
Parang nirerewind ng utak ko ang mga masasayang araw na kasama ko kayo. Yun bang nakatanga lang tayo sa tambayan at kakanta ng kung anu-ano. Terrified kahit paulit-ulit ay di nakakauyam, ang Silvertoes na patama natin para kay Ma*j, ang walang kamatayan at punung puno ng pag-ibig na A beautiful mess ni Mraz. Tapos pag Huwebes(o minsan kahit hindi), may session na naman ang Thursday Club.
Showing ulet sa utak ko yung paglalakad natin mula sa NCPAG hanggang sa tindahan ng kwek-kwek at fishballs sa may MassComm o kaya yung pagvivideoke natin sa Timezone. Isama pa yung hanggang madaling araw nating mga kwentuhan sa Starbucks Quezon Ave, West Ave o SM North tungkol sa career, college life at sex.
Buntong hininga.
Pagkagaling na pagkagaling sa trabaho, ibubungad niyo agad saken ang magic word naten.
“Shot!”
Alam na kung ano ang kasunod niyan. Kung hindi man tayo magising na nakahiga sa sahig o sa mahabang silya, eh paniguradong nadiligan ang mga lalamunan natin ng malamig na beer bago tayo matulog… o makatulog. Tapos magpaparamihan ng suka sa umaga o kaya lahat tayo ay mga boss na magdedesisyong magli-“leave” muna.
Nakakamiss lang talaga siguro yung mga panahong ang ibig sabihin ng fill in the blanks ay paglalagay ng number 2 sa pagitan ng 1 at 3 o kaya paglalagay ng “larva” sa pagitan ng egg at pupa sa mga stages of growth ng mga lamok.
Pesteng mga lamok, pinagpipiyestehan ang binti ko.
Makatulog na nga.
Pero namimiss ko na talaga kayo.
Sobra.
Blk 9 Lot 9 Quail Street, Morning Mist Village
Barangay Carmen, Cagayan de Oro
March 10, 2012
“Wala ka pang date bukas, I am sure. Open pa ang application sa akin hanggang alas-dose ng hatinggabi. Though medyo pang one million ka na” panimulang pang-aalaska niya sa dating kasintahan.
“Inaya ako ng isang katrabaho ko. Ang kapal ng mukha mo!” painis na sagot ng dalaga sa kanya.
“Gwapo ba siya? Penge naman akong number niya. Ayain kong magdate. Aagawin ko sayo.” ang patuloy na pambubuyo niya rito.
Ganito madalas ang usapan ng dalawa. Ni hindi aakalain ng sinumang makakaririnig na minsan sa mga libro ng nakaraan ng dalawang ito ay minsan silang naging isa. Minsan. Dinadaan sa biro ang mga bagay-bagay para mabawasan ang hangin ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Sabe nga kasi ng mga nagmamagaling nilang kaibigan:
Kapag ang dalawang dating magkarelasyon ay nanatiling magkaibigan, dalawa lang yan: Mahal pa rin nila ang isa’t isa, o hindi talaga sila nagmahalan noong “sila” pa.
Sa ngayon ayaw munang patotohananan o pabulaanan ni Jericho ang mga tinuran ng mga kaibigan.
“Bilang alam ko naman na nagsisinungaling ka lang tungkol dun sa pag-aaya sayo ng katrabaho mo, kape tayo bukas?”, biglang pag-entrada ng imbitasyon(na may halo pa ring pang-aalaska)
“Ang arte mo talaga mag-aya, may kasama pa talagang pang-wawalang-hiya. Sige after na lang ng work. Baka malate ka na naman ah?” sagot ni Mira.
“Ganoon talaga pag pogi. hehe”
“Whatever!
Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa isang kapihan sa isang mall sa may EDSA. Nauna ng ilang minuto si Mira sa meeting place nila. Dumating si Jericho na pangisi-ngisi.
“Late ka na. Wala ka pa ring pinagbago”
“Para 5 minutes lang eh. May matanda kasi akong tinulungan na tumawid sa EDSA. Haha.
“Ewan ko sayo. Ano yang hawak mo?
“Bulag ka ba? Sampaguita? Oh happy balentimes.
“Yuuuuuuuuccckk. Ano ko Mama Mary?”
“Para naman di lubus-lubos ang pagka-conformist natin. Nag-date na nga tayo ng Valentines, mag rered roses pa ba ko? That is too “mainstream”. Saka mas mabango pa itong sampaguita sa mga rosas na yan.”
“So this is a date? Yikeeee.
“Whatever,”sagot ng namumulang binata.
Flashback. Babalik ang oras sa mga panahon na “sila” pa. Isa talaga sa mga weakness ni Jericho ang mga batang nagbebenta ng sampaguita. Tuwing lalabas sila ng mga kaibigan niya noon at may nakasalubong silang nagtitinda, siguradong bibili siya sa mga iyon. Nang minsan pa nga na malasing siya sa isang lakad-barkada, bumili siya ng sampaguita at inilako din ito sa mga nakakasalubong nila. Kahit nasa ilalim ng alak, di pa ring maiwasan ng mga kaibigan ni Jericho na mahiya sa ginagawa niya.
Bago pa tuluyang malunod si Jericho sa pangangarap, inaya na niya ang kasama na maglakad.
Tila kinulayan ng kulay pula ang paligid. Ang dating tindahan ng damit, gamit at pagkain ay nagmistulang hardin sa nagraramihang pulang rosas na animo’y tumubo dito. Sa harap nila ay dalawang magkasintahan, ang babae ay tangan-tangan ang bouquet ng rosas na binigay ng kasama. Bago sila sumakay ng escalator, nasulyapan ni Jericho ang dalawang kabataan na sa isip niya ay menorde edad pa na nagsusubuan ng french fries sa isang fastfood. Kahit saan ka tumingin, punung-puno ng pag-ibig, parehong naisip ng dalawa.
Gusto kong makipag-inuman sa iyo.
Para tuluyang hugasan ng malamig na beer
ang mga isiping dumadagan sa utak ko,
tila malalaking boobs na nagpapabigat ng pakiramdam ko.
….
…. …
At kasunod ng mga elipsis, ikaw ang magsasabi sa’ken
na di ako nagkamali sa tinahak kong landas.
Tawanan mo ko pero yung tawa na walang halong pang-uuyam
Yung inosenteng tawa lang ng isang naaaliw
Mga matang sumasabay din sa pagngiti
Gustong kong ulit-ulitin mo sa akin
na hindi ako nagkamali nang magdesisyon akong gawin ang ginagawa ko ngayon.
Tulungan ang mga taong minsa’y
napagod nang tulungan ang mga sarili nila.
Ipaalala mo muli sa akin na
walang kasalanan
ang mga ito.
Sintomas lang yan ng mga kabulukan
ng umiiral na sistema.
Ang wala nga daw kamatayang bulok na sistema.
Gustong kong uminom at maglasing kasama mo.
At sabay tayong hihithit ng usok mula sa iisang sigarilyo
Pangako
iwawaglit ko ang kaisipang hindi nararapat.
Malasing man ako, pipigilan ko ang aking sarili
Na madala sa tawag ng pangangailangan ko,
mga mumunting bulong
na nakabaon sa pagkatao
Kahit ba kapantay pa ng kagustuhan kong uminom
ang kagustuhang gawin iyon sa’yo.
Gusto ko lang uminom kasama mo
Para pumunta sa ibang mundo,
Para magpalitan ng kwento at kuru-kuro
At pawiin ang kawalang pag-asang unti-unting
kumakain sa mga prinsipyong una nang naipangako.
Gusto ko.
Hindi ko alam kung paano mo hinahagap ang mga salita
Hinuhuli mo ba sa hangin o binibingwit sa gunita?
Paanong ang mga tula iyong napabubulwak?
Di ‘yan latak,
kundi pilak,
yang luwal ng ‘yong utak
Simpleng bulong ng damdamin, tinuruang maisigaw
Letra at talata sa saliw ng iyong tiklado’y napasasayaw
Obra maestrang mga kathang iyong isinusulat
Di ‘yan latak,
kundi pilak,
yang luwal ng ‘yong utak
Patawarin kung maniwalang ika’y tarantado, aking katoto
Nagbunsod lamang nito’y pagtawag sa iyong sariling bagito
Ang mga kwento mong nangungusap, nagpapaisip, nagmumulat
Di ‘yan latak,
kundi pilak,
yang luwal ng ‘yong utak
Gusto kong sumulat kagaya mo
Para sa ‘yo, hindi na inisip kung tama ang ang tyempo
Heto lang ang naapuhap na sagot sa tanong na paano
Kaya, sa’yo:
Pagpasensiyahan itong latak
Itong laman utak ko
Mahal kong kaibigan,
Tinitignan ko ang mga mukha nila, habang nag-aasaran at nagbabatuhan ng kantiyaw sila Tita Cynthia at Tita Vilma. Nagulat na lang ako nang makita ko ang sariling tumatawa mag-isa. Parang kelan lang kasi ng gumawa ng eksena ang magkapatid dito sa barangay. Cat fight kumbaga. Kung may blockbuster of the year award nga dito sa lugar, malamang sa malamang nominated ang eksena nila. Buong barangay nanood, nagpustahan pa nga kami ng mga pinsan ko kung sino ang mananalo. Siyempre, biro lang. Pinipilit ko pa ring hukayin sa utak ko yung dahilan ng pagsasabunutan, pagsasampalan, sigawan at murahan ng dalawang ito pero natabunan na yata. Isa lang ang sigurado ko, napakababaw ng dahilan nila: kundi yata kalderong hiniram, kung tama ako eh yung basura. Tama! Walang kwenta.
Nandito din si Tito Andy. Ngingiti-ngiti na lang kahit bungal dahil sa mga pang-aasar ng mga pinsan kong abnormal. Nahilig kasi sa inom, sigarilyo at nagkataon nauwi pa sa droga. Nung medyo bata nga ako, pinlano ko na talagang isumbong siya sa pulis para lang matigil siya. Ang alam ko tuloy pa rin siya sa mga sessions nila ng mga tropa niya. Ang tanging iba, nagtatrabaho na siya ngayon sa amin bilang taga-alaga ng mga baboy, paitluging manok, bibe, giraffe, zebra, at panda. Koala pa pala. Ang cute eh. May zoo kasi sa bahay. Masaya na rin akong marinig na medyo nabawasan na ang pag take-off ng utak niya sa lupa dahil may pinagkakaabalahan na siya ngayon. Dapat lang naman talaga, dalaga na rin si Angie at malalaki na si Jepoy at Lawlaw. Kawawang bata, palayaw-an ka ba naman ng Lawlaw? Ano ka betlog?
Nandiyan din ang magkalabang-uri na si Tito Cenon at si Mama. Ramdam ko na kahit parang normal lang ang pakikitungo nila sa isa’t isa, may tagong tunggalian sa mga loob-loob nila. Ang dame kong alam. On the red corner: Si Tito. Siya kasi ang kapitan ng barangay namin. Dating aktibista. Idealistiko kung mag-isip. Alam kong may pagkakataon na nakakalimutan niya ang mga tungkulin niya sa mga anak nila ni Tita Cynthia dahil sa mga tungkulin niya para sa mga kabarangay namin. For the greater good, ika nga. On the blue corner: Si Mama naman ang ‘kapitalista.’ May-ari ng maliit na backyard poultry at piggery dito sa amin. Babuyan at manukan. Syempre, uunahin niya ang sarili at kapakanan ng pamilya bago ang kahit anuman at sinuman. Kadalasan eh di na pinapansin ang mga kaganapan sa labas ng kanyang bakuran. Sa ngayon, ayoko munang isipin kung sino ang mas tama sa kanila. Darating din tayo diyan.
Nagsimula na ang mga palaro ng mga pinsan ko. Kahit magkakatabi lang sila, aakalin mong nasa kabilang ibayo pa ng dagat ang mga magkakausap. Malinaw pa sa sikat ng araw sa tanghaling tapat ang magiging future ng mga ito: mga bungangera, mga armalite sa umaga, sabi ko sa sarili ko. Mana sa mga nanay nila Haha. Ang ssuming ko no?
Nag set-up na rin ang mga Tito Lito at si Papa ng mesa para simulan na ang pag-ikot ng shotglass. Tinawag na ako to join the gentlemen, kasabay ng pag-aya sa iba kong pinsan. Di na ako tumanggi kahit kahapon lang ay nadiligan na ng alak ang lalamunan ko, kasi sa tatlong daan at animnapu’t lima at sangkapa’t na araw sa loob ng isang taon, isa lang itong araw na ito para makaharap ko ang mga ito. Pero hinding-hindi ko titikman yung ulo ng kambing na pulutan. Nakatitig yung dalawa niyang mata saken. Mukang nagbabanta at nagsasabing, “Eat me and you shall die.” May evil laugh pang kasama. Hindi pa ako lasing nito ah.
Ayan, tapos na ang Pinoy Henyo at Hep Hep Hooray ng mga matatanda. Napaka-creative talaga ng mga utak ng mga ito. Susunod daw ay bring me at stop dance. Gusto kong pumalakpak. Haha.
Ang dami nang nagyayare. Pinapasayaw nila si Isha na inaanak ko ng kendeng kendeng. Di naman papatalo ang isa ko pang pinsan na si Pipay. Sinusuhulan ng aguinaldo ang bata para aliwin sila. Oh shit! Child labor at Prostitution. Bantay bataaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!
Dumating na pala si pinsang Lenlen. Medyo nahuli dahil galing pa daw sa manliligaw/boyfriend niya. Parang dati lang kalaro lang namin ng piko ito, ngayon bumo-boyfriend na. Hindi na daw sumama yung lalaki dahil sinindak ni Kuya Conrad kanina sa telepono. Haha. Paskong-pasko daw “nakikipagtukaan” sa lalaki. Di saken galing ang salitang yan kaya naka-enclose sa panipi. Ni hindi ko nga maisip kung paano magtutukaan ang dalawang tao eh wala naman tayong tuka? Pavirgin-much. Hihihi
Tapos na ang kainan at mga palaro. Tulog na rin ang maliliit na pinsan at mga pamangkin. Umuwi na nga sila Mama kasama ang kapatid kong si Tetay kasi kelangan pa niyang maligo dahil punung-puno siya ng harina. Sinali kasi nila ko sa hanapan ng piso pero di mo hihipan yung harina, ingungudngod mo lang yung mukha mo para mahanap iyon. Di na natapos yung palaro nang bigla kong isaboy ang harina sa mga isa kong pinsan… Na gumanti.. hanggang sa ang lahat ay nagbabatuhan na ng harina… Kasama matatanda ha.
Natira na lang kameng mga umiinom at ang pamilya nila Tita Felia. Kainuman pa kasi namin si Kuya Cris na siyang magdadrive sa kanila pauwe.
“Si Kester, ang laki-laki na. Dati lagi ka lang karga-karga ng Tatang. Pag hindi ka nga mapatahan… dun pa kayo nakatira sa dati niyong bahay, laging tinatawag ng Mama mo ang Tatang.. tapos titigil ka na.” kwento sakin ng Tita. Hindi ko malalaman ng Lolo’s boy pala ko dati kundi niya knwento sakin.
Sandali, nasan nga pala ang Tatang? Mukang pumasok na agad sa kwarto niya. Ganon talaga kasi yung matanda na yun, mahiyain masyado. Haha. Lumabas siya para isarado yung pinto ng bahay niya. Tutal nasa terrace naman kami. Syempre, inaya namin siyang makiinom samen kahit pa ang huli daw nagpainom dito ay yung patay na naming katulong dati sa bukid.
Kumuha ko ng isang shot glass na may white wine at chaser na RC cola tapos dinala ko sa kanya. Aba, tanggi agad ang matanda. Didiretso na sana ulit siya sa kwarto niya ng dumating ang dalawa kong back-up na pinsan para pigilan siya. Talagang literal siyang hinila kaya di na rin nakatanggi at inabot na mula sakin ang dalawang baso.
“Tang, lolo’s boy pala ko dati ah? Lage mo daw akong kinakarga. Pakarga nga ulet.” Biro ko sa kanya.
Pinulupot ko na lang ang mga braso ko may leeg niya, astang kakarga ko sa kanya. Malaki na ko(literal at figuratively) para kargahin pa niya kaya pinulupot ko na lang ang braso ko sa may leeg niya, sabay sinakal siya.
Este niyakap pala.
Di na namin inubos yung pangalawang bote ng brandy de jerez. Di kaya ng liver ko eh. Naghahanap ng redhorse.
Inaantok na ako. Matutulog na ako.
Sana laging Pasko at may reunion para masaya pamilya ko.
Nagmamahal,
Kester
Pasintabi sa The Perks of being a wallflower. Feelingero.
Wala akong ganang magtrabaho
Kung kelang ang daming kelangang gawin,
At Pasko na sa makalawa
Kaya parang ayoko na
Napakawalang pakisama ng ganitong pakiramdam
Kung anong gagawin alam ko at hindi ko alam
Kelangan ko ng inspirasyon
At konting tapik sa likod
Sampalin ng motibasyon
Para ang gawai’y gawin ng may lugod
Wala akong gana
Parang tulad ng dati sa eskwela
Kapag ang bakasyon ay parating na
Dahil ang utak ay nauuna sa pamamahinga
Walang pumapasok sa utak ko
Parang akong gago dito.
Gusto ko yatang magyosi,
O uminom
Maglasing tapos matulog na lang
At sa pagkatulog ay makulong
Pero wala nang magbabago
Maliban sa araw na yun, susunod na araw na ang Pasko,
At hindi na sa makalawa
Walang kwenta na ang sinasabe ko
At sinusulat
Lumamig na ng kape ko
Pero nag-iinit na ang ulo ko
Tang-ina. Tang-ina lang talaga
Anong gagawin ko?
Sinong nandiyan? Sapakin mo naman ako.
Hindi ako magagalit
Para matauhan lang ako kahit konti
At tuluyan ng mawala ang sapi ko sarili
Puta.
Pasensiya sa mura
Puta.
Isa pa.
New Year’s Resolution Challenge Number 5. 500daysofkissingmypillow will be giving away three of his most precious books (At First Sight, A Million Little Pieces and The Kite Runner) straight from his untidy bookshelf to three random Tumblr users.
For you to be qualified to receive one of the three books in the picture above, all you have to do is like or reblog this post, then Voila! Sit back and check, every now and then, your Tumblr Inbox for a message saying that you’re one of the three lucky people to receive one of the books above. The book will be sent to you, whether you’re from Brazil, Alaska or Turkmenistan, free of shipping fee. This will span from December 21 to January 31.
Merry Christmas and a Happy New Year! Goodluck!